mana kay tatay
October 29th, 2006 by novseventeen–>
" Ann, gusto ko yung kanta ni NATALIE FORTUNA, yung I’M LIKE A BIRD."
- ate Rea
<–
–>
" Ann, gusto ko yung kanta ni NATALIE FORTUNA, yung I’M LIKE A BIRD."
- ate Rea
<–
namamasyal sa mall..
–>
ate: bilhan natin si tatay ng Auntie Anne’s, gusto niya yan eh.
<–
pagdating sa bahay..
–>
ate: tay, may uwi kami sayo.
tatay: ano?
ate: hulaan mo.
ate: paborito mo..
tatay: HOPIA?
<–
socsci - IV St. Francis of Assisi
–>
sir sarmiento: what’s the ekek-ekek? (nalimutan ko na yung eksaktong tanong)
sir sarmiento: you.. ah.. what’s your name? hmm starts with the letter R right?
*(tinuturo si Loraine "Rain" Francisco)
sir sarmiento: R.., R.. (pitik-pitik)
sir sarmiento: Armie?
<–
pag madami kang dapat gawin, kung ano-ano naiisip mo.
–>
1. Anong apelyido ni Donita Rose?
2. Bakit inaantok ako tuwing nag-aaral?
3. Pag nahawakan mo ang ulap.. mababasa ka ba?
4. Ba’t mas malakas ang gravity ng Earth kaysa sa Moon?
5. May lengwahe kaya mga hayop na sila lang din nakakaintindi?
6. Si St.James ba si Santiago?
7. Uminom ba mga tao nung ‘multiplication of the bread’?
8. Hindi ba naliligaw mga langgam, kahit mag-isa lang sila?
9. Kung ang x/0 = NAN (Not a Number).. eh, ano ito?
10. Kung ‘undefined’ ang sagot mo sa number 9.. ba’t di pa nila to madefine?
11. Bakit di nabubuhay ang isdang freshwater sa tubig na maalat (and vice-versa)?
12. Bakit ala ko gana kumaen nung bata ako, chaka hindi ako inaantok sa hapon?
13. Anong english ng "makulet"?
14. Bakit ala ko naaalala sa mga nangyare saken nung 1 year old pa lang ako?
15. Sino bumaril kay Ninoy?
16. Ba’t natatawa ka pag kinikiliti ka?
17. Pano umiilaw ang mga alitaptap?
( di na ko naniniwala sa kwentong may dala silang lampara )
18. Iisa lang ba shape ng mga diamond?
19. Pano nagpapagupit si Superman, eh ang tibay-tibay ng buhok niya? (see superman iv)
20. Bakit madilim sa outer space?
21. Pano naging bayani si Aguinaldo?
22. Ba’t di pantay ang grado ng 2 mata.. kung sabay naman sila palagi nagana?
23. Ba’t palagi nakangiti mga baby?
24. Wala bang ginawa si Aristotle kundi mag-aral?
FYI: panget daw si Socrates ayon sa SocSci 2. (walalang)
25. Ano napapanaginipan ng mga bulag?
26. Is true love just once in a lifetime? - New Radicals
27. Bakit ang lakas-lakas ng tunog ng pitik ng buntot ng mga butiki eh anliit-liit naman nila?
28. Bakit din alas-6 ng gabi lagi sila nagpipitik?
29. Bakit tumitilaok ang manok sa umaga?
30. Bakit pinapagpag ( or tinatap) ng ibang tao ang upuan sa dulo ng jeep bago umupo?
(yung malapet sa pinto)
<–
** bawal makulet na sagot.
isa ata itong palabas tungkol sa mga nananawagan na batang nawawala,
nung batang-bata pa tayo.
–>
inday badiday: mga bata, kilala niyo ba kung sino ako?
bata1: opo, si Inday Badiday po.
bata2: si Inday Badiday po.
..
bata 10: si Inday Badiday po.
inday badiday: kung nanunuod man po ang mga magulang o kamag-anak ng mga batang ito.. paki sundo niyo na po sila dito sa studio.
..
–>
.
* * (isang episode)
inday badiday: mga bata, kilala niyo ba kung sino ako?
BatangHalatangHindiPaNakakanuodNgTVBuongBuhayNya: bakla po.
<–
FYI: si Fabi ay nafeature na sa palabas na ito dahil nawala siya sa Baclaran nung musmos pa lamang siya.
pag may inglesan session sa tambayan..
–>
" haha! I don’t know what you look like! "
<–
translation: mukha kang ewan.
–>
BIYAHE TAYO
April 29, 2007 - gusto ko lahat magawa to.
.
Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!
Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?
Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?
Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?
Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Halika, biyahe tayo..
WOW Philippines…
<–
–>
habang nagdedebug ng coe 115:
" nasan ka na? nasan ka na? .."
——-
pag exam na mamaya:
" .. at muling magbabalik sayo, nang walang kalaban laban.. "
——-
pangarap kong isagot sa klase:
" ewan ko.. hindi ko alam, pwede bang wag na lang natin pag-usapan? huwag mo nang itanong sa akin, di ko rin naman sasabihin.. wag mo nang itanong sa akin, at di ko na iisipin. "
——-
kantang naiinis ako tuwing naririnig ko:
" sleep all, sleep all day.. sleep all, sleep all day.. "
——-
habang nag-aaral:
" lead me Lord, lead me by the hand and let me face the rising sun.. "
——-
pag di ko maintindihan kung ba’t peborit nila pagsabay-sabayen mga exam:
" you’ve got to get yourself together, you ‘ve got stuck in a moment and you can’t get out of it; don’t say that later will be better, now you’re stuck in a moment and you can’t get out of it. "
——-
do-or-die moments; (tres o singko?)
" I’ll never give up, never give in, never let a ray of doubt slip in. and if I fall I’ll never fail, I’ll just get up and try again. never lose hope, never lose faith, there’s just too much at stake. upon myself I must depend; I’m not looking for place ashore, I’m gonna win. "
pampalakas loob ba. hehe.
——-
pag malapet-lapet na nag halfway/final presentation:
" malayo pa ang umaga, di matanaw ang pag-asa, hanggang kailan magtitiis sa paghihirap ko.. "
——-
walang kamatayang tugtog sa EPL habang nag fa-fab ng antenna:
" ooh, wag na wag mong sasabihin na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit na kalayaan mo. "
——-
pag naiisip ang high skul life:
" ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon; sana’y wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan.. "
——-
pan-gising kay caloyski habang nag-aaral sa board exam:
" if at first you don’t succeed.. then dust yourself off and try again, you can dust it off and try again. try again. "
——-
katangi-tanging lyrics na memorize ko sa "UP naming mahal"
" UP naming mahal, pamantasang hirang.. ekek-ekek.. mabuhay ang pag-asa ng bayan. mabuhay ang pag-asa ng bayan! "
<–
nagpaconsult kay Dean Guevara para sa take home exam ng coe 121.
–>
anncute: mam, ah.. pag inintegrate po ba ito makukuha na?
mam gev: you know the Wiener-Kinchin theorem?
anncute: opo..
mam gev: WHAT’S THE WIENER-KINCHIN THEOREM?
anncute: hehe.
<–
nanunuod ng tv ang mag-ama
–>
tv: .. yan ang iba-ibang luto sa butete..
anncute: tay, di ba ano yung butete.. ah, baby frog?
tatay: tadpole yun..
<–