BS ECE

ECE - BS Extra Curricular Ectivities

glimpse ng UP life ko..

–>

1.  magreklamo nung 1st year dahil may 1.75 akong subject na lowest ko nun >> SINGKO sa EEE 23 - Electromagnetics nung 2nd year >> magpasalamat ng lubos tuwing nakaka-Tres

2.  mag pop-corn at midnight snack tuwing alas dose

3.  gagawa ng thesis >> laro-laro ng battle city or contra >> matulog ng 5 am >> gising ng 8 am >> kakaen ng instant noodles >> magfa-fab ng antenna >> bangagers >> araw- araw

4.  matulog sa CEL lab gabi-gabi >> katabi ang mga oscilloscope

5.  matutong mag log-out >> bababuyen ng mga taga CEL ang profile sa friendster at magsesend ng email kung kani-kanino

6.  pupunta lang sa Greenbelt >> napadpad na sa Tagaytay

7.  maglaro ng pusoy dos o monopoly sa tambayan >> mag-cut dahil di pa tapos ang laban, "babasahen na lang mamaya" >> pag dating ng hapon tuloy ang harutan >> magpapasa ng kinopyang assignment that looks like a "4-letter-word" >> magkacram pag exam >> kakanta ng "At Walang Kalaban-Laban" >> gagawa ng theoretical na tanong na imaginary lang talaga at walang makakasagot >> sasabihen na hindi itatanong yun ni Doc M >> yun ang lalabas sa exam

8.  kakaen sa labas >> mauuwi sa overnight >> tulog >> gigising ng tanghali >> uuwi sa bahay ng walang liguan

9.  magprogram ng MP hanggang 4 am >> gising ng 6:30 >> pipirma ng attendance para sa 7am class >> uwi agad sa boarding haus >> tuloy ang tulog >> magcut ng 10 am class >> pasok ng 1pm >> makasalubong ang 10 am prof na friendster ni ate sa corridor >> sasabihen ng prof na pansin niyang wala ako sa klase >> sasabihen ko na may niresearch

10.  babagsak sa lahat ng subject (no joke) nung 4th year >> mag-aral kundi madelay ng 1 SEM >> gawing vitamins ang Stress Tabs >> kumuha ng do-or-die na exams araw-araw sa loob ng isang linggo >> magdasal ng matindihan nung kwaresma >> labas ang results after ng holy wk >> pasado sa lahat! >> malalaman na 1 YEAR pala madedelay at hindi 1 sem lang kung bumagsak >> maiyak sa tuwa >> mahal ako ni Lord

11.  magpaconcert hanggang madaling araw >> mag aral ng walang tulugan >> mag exam ng 7 am habang bangag >> mabankrupt ang ERG dahil lugi sa concert >> nangutang sa alumni at sa eee dept head >> bagsak sa exam!

12.  sumali ng innovation contest habang nagthethesis >> punta ang adviser sa US >> gagana ang project ng 5 am sa araw ng presentation >> babagyo at babaha >> mukhang basang sisiw dahil alang makuhang taxi papuntang makati >> makikisabay na lang sa dept head >> pepresent ang project >> matutuwa ang judges dahil na din sa onting joke >> mananalo ng 2nd place >> dodonate ang pera sa ERG >> makakabayad ng utang >> mabubuhayan ng loob, papagawa ng ERG jacket >> mag 4th place ang ERG sa Eng’g wk >> mag s-stirring committee ang ERG sa FOPC >> maaawardan ang ERG ng 1st Engineering Overall Excellence Award >> yahu!

13.  Eng’g wk >> nakablindfold ang searchee sa "DatEng’g Game" >> pag yun taga ERG na tatanungin sisigaw sa kanya ng "YAN PINAKA POGI!" >> pambato namin ang mananalo >> pero pogi naman talaga si ACE :D >> si Josine (syempre maganda din) eh nanalo din >> ako pumili sa kanila >> dahil cute ako

14.  lalaro si lala ng rubik’s cube sa klase >> sabihen ko na itigil na niya >> tuloy ang laro >> sabihen ulet na itago na ang rubik’s cube >> di ititigil >> maiisip ko kung pano isolve >> kunin ang rubik’s cube kay lala >> tatawagin ako ng prof dahil nag rurubik’s cube

15.  sa front row uupo >> tatabi si lala >> magkwekwento si lala >> makikinig kay lala >> tatawagen ako ng prof dahil nakikipagdaldalan >> di ko alam ang sagot >> magiimbento ng sagot >> hihirit ang prof ng follow-up question

16.  mag group study para sa exam kinabukasan >> aral-aral hanggang 10pm >> nunuod ng twilight zone >> balik aral >> papadeliver sa wendy’s >> check ang standing sa internet >> malalaman na pasado na kahit maka zero >> tigil ang aral >> magkantahan magdamag

17.  mag-excursion ng wala ni isang naka-alalang magdala ng camera!

<–

ang saya-saya! :D   di ko malaman kung pano ko nakagraduate ng buhay..

One Response to “BS ECE”

  1. Zinna Says:

    You write very well.

Leave a Reply