pag madami kang dapat gawin, kung ano-ano naiisip mo.
–>
1. Anong apelyido ni Donita Rose?
2. Bakit inaantok ako tuwing nag-aaral?
3. Pag nahawakan mo ang ulap.. mababasa ka ba?
4. Ba’t mas malakas ang gravity ng Earth kaysa sa Moon?
5. May lengwahe kaya mga hayop na sila lang din nakakaintindi?
6. Si St.James ba si Santiago?
7. Uminom ba mga tao nung ‘multiplication of the bread’?
8. Hindi ba naliligaw mga langgam, kahit mag-isa lang sila?
9. Kung ang x/0 = NAN (Not a Number).. eh, ano ito?
10. Kung ‘undefined’ ang sagot mo sa number 9.. ba’t di pa nila to madefine?
11. Bakit di nabubuhay ang isdang freshwater sa tubig na maalat (and vice-versa)?
12. Bakit ala ko gana kumaen nung bata ako, chaka hindi ako inaantok sa hapon?
13. Anong english ng "makulet"?
14. Bakit ala ko naaalala sa mga nangyare saken nung 1 year old pa lang ako?
15. Sino bumaril kay Ninoy?
16. Ba’t natatawa ka pag kinikiliti ka?
17. Pano umiilaw ang mga alitaptap?
( di na ko naniniwala sa kwentong may dala silang lampara )
18. Iisa lang ba shape ng mga diamond?
19. Pano nagpapagupit si Superman, eh ang tibay-tibay ng buhok niya? (see superman iv)
20. Bakit madilim sa outer space?
21. Pano naging bayani si Aguinaldo?
22. Ba’t di pantay ang grado ng 2 mata.. kung sabay naman sila palagi nagana?
23. Ba’t palagi nakangiti mga baby?
24. Wala bang ginawa si Aristotle kundi mag-aral?
FYI: panget daw si Socrates ayon sa SocSci 2. (walalang)
25. Ano napapanaginipan ng mga bulag?
26. Is true love just once in a lifetime? - New Radicals
27. Bakit ang lakas-lakas ng tunog ng pitik ng buntot ng mga butiki eh anliit-liit naman nila?
28. Bakit din alas-6 ng gabi lagi sila nagpipitik?
29. Bakit tumitilaok ang manok sa umaga?
30. Bakit pinapagpag ( or tinatap) ng ibang tao ang upuan sa dulo ng jeep bago umupo?
(yung malapet sa pinto)
<–
** bawal makulet na sagot.